Basketball
Hai naku... Naging malungkot ako dahil sa basketball... Tamad kasi ako kumilos kung hindi ko mahal ang isang bagay na ginagawa ko, at tuwing napapagalitan ako, iniisip ko kung karapat dapat ba akong magsuot ng uniform ng varsity team. Oo nga nakasuot ako, pero kapag nakikita ko ang coach namin, nahihiya ako... Lalo akong nahihiya kasi hindi ko napapakita sa kanya kung ano ba ang kaya kong gawin.. Kaya talagang nakakalungkot... Lalo na nung last game namin.. Tambak kami... At dahil dun, hindi ako pinasok... Sobrang sakit.. Pero hindi ako nagrereklamo.. Alam ko na ang problema ay nasa akin... Dahil sobrang natetense ako maglaro kapag nakatingin si coach.. Ayokong magkamali sa harap nya.. Tpos tuwing practice, laging may parang mali sakin, tulad ng may lagnat ako, may hyperextended muscle, at kung ano ano pa... ayokong magdahilan kay sir kasi baka isagot lang niya na umalis na lang ako kung hindi ko kaya. Pagkatapos pa nung game namin nung thursday, sinabihan niya ang buong team na kulang kami sa attitude.. Parang isa lang sa amin or dalawa ang may winning attitude. Lahat natatakot sa laki ng katawan ng kalaban namin.. Oh well... Feel ko gusto na ko alisin ni coach sa team kaya lang ayaw lang niya ko alisin para hindi ako masaktan... Babawi na lang ako sa mga susunod na practices.. Hindi na ko magpapalate at magfofocus na ko sa lahat ng gagawin.. Kailangan makita niya na gusto ko pang manatili sa varsity team... Hai... Good luck to me..
Pero bukod sa basketball masaya naman ang buhay ko.. Oops, STR pa pala... Malungkot din ako dahil sa STR... Pero masaya rin ako dahil sa mga bagay na hindi ko masabi.. Isang kaligayahang hindi madescribe... hehe... Kung kaya ko or sipagin ako itatranslate ko lahat ng posts ko sa english... Practice lang... hehe... Naiinggit ako sa ibang blogs, english pa talaga ginagamit nila.. Wala kasi akong time mag-english mode eh... Pero kung matripan ko ok lang... Mas marami kasi ako nasasabi sa Tagalog pero mas nadedescribe ko ang mga bagay bagay sa english... Mas makulay ang words.. haha..
Kung matatanong nyo, "What's with the template?" haha... Ang panget... Pero tsaka ko na papalitan pagka-check ni sir vingcang... hehe... joke lang sir! Sabi kasi ni comsci partner ginaya ko raw yung dating template ko kaya 'eto, naghanap ako ng template na wala masyadong gagamit... haha... Sige... Until next time..




