Marko Mas Pogi Kay Joseph

Blog na panghati sa Dota times... hehe...

Tuesday, January 16, 2007

Ang Pagbabalik...

Sa wakas! First post ko sa taong 2007! Andami nang nangyari.. Christmas... New Year.. Tapos YMSAT na next week.. hehe.. Sabog na sabog ang 3rd quarter ko.. Kahit tanggap ko na tamad ako, hindi ko na matanggap ang grades ko... haha.. kailangan ko na magpataas ng grade ngayong 4th quarter.. Kailangan magsurvive ako ng 3rd year na walang bagsak.. haha... Kaya naman eh, kaya lang hindi ko pa maovercome ang sobrang katamaran ko. Sakit ko na to mula ng magpisay ako.. haha.. pero ngayon lang ako bumabagsak kasi hindi na kaya ng powers ko ang lessons... hindi na kaya ng hindi pagrereview.. oh well..

Feeling ko ang lakas ko na.. Nakatakbo ako ng 10 rounds sa buong pisay ng walang kahirap hirap.. wait, halos walang kahirap hirap.. hehe.. may game kami sa gym sa thursday.. kalaban ang dayspring.. Pag nanalo kami baka makapasok na kami sa semis para labanan ang U.P.I.S. Tsktsk.. mahihirapan kami dun.. Siguro kung makabenteng ikot na kami sa pisay mananalo na kami.. hahaha... Sige may quiz pa kami sa comsci... Nood kayo ng game ah...

Saturday, November 25, 2006

Minesweeper..

since ginawa ni joy, ipopost ko rin ang minesweeper games ko.. haha... Grabe sobrang hirap talaga ng expert... kaya talagang pang-expert sya... Wala kasi sa pc ko yung high score ko sa expert.. kaya kagabi talagang one hour dinevote ko sa paglalaro ng expert... Tapos... In less than one hour... matatapos ko na siya! ilang mines na lang ang natitira... Nang biglang...




Grrrr.... okay lang yan.... Grabe ang tagal ko pinagisipan yung nga huling mines... hehe... pero ganun eh.... Tapos antok na ko, pinapatulog na ko ni mommy nang biglang....






wahahaha... 264 ata yun.... ayun natapos ko rin... yung intermediate at beginner mukhang matagal pa bago ko matapos... 5s at 51s.... hehe... Kung parang maangas dating ko, sorry... si joy lang inaangasan ko... haha... joke...

yan... hai... magraragnarok na ko... cge... ciao!

Thursday, November 23, 2006

Walang kwenta

Hai naku... ang tagal na naman bago ako nakapagpost.. Kainis kasi.. Basta.. Matagal na rin akong hindi nakakauwi.. Oops time na... haha... ang iksi naman nito.. sige gtg...

Thursday, November 09, 2006

Sa Wakas!

Hai salamat... Nakapag"update" na ulit ako sa blog ko!! Hai naku... Sobrang tamad na tamad kasi ako magpost.. Naisipan ko lang magpost kasi sobrang dami na ng kailangan kong habuling posts... haha.. May time ako kasi sobrang dali nung pinagawa ni sir bingcang kanina.. haha.. Oo nga pala.. Sorry sir kung minsan nababastos ko kayo kapag sumisigaw/malakas ang boses sa klase.. Nung time na yun kasi parang ayaw mo makinig sa sinasabi namin. Kung nabastos kita, sorry talaga..

Ang saya nung activity kahapon! Astig yung minefield game.. Marami akong natutunan tungkol sa laro ng buhay.. Kainis, namatay pa 'ko.. lapit na eh..haha.. kahit laro lang, parang nakakahinayang pa rin mamatay.. haha.. Sayang hindi kami kumpleto dahil sa mga tamad pumunta..(hindi to backstab, pinaparinggan ko lang kayo).. hehe... ang dami nyo rin sana natutunan.. umalis na ko bago mag-open forum dahil sa basketball training.. Kawawa naman si mam rodriguez, ginawang julalay nung someone kahapon.. Oh well.. Close naman daw sila.. haha joke lang... Sige tama na muna... malapit na magbell... Have a nice day...

Tuesday, October 24, 2006

STRess

Hai STRess na naman... Siguro dahil sa stress na to, kaya ngayon lang ako nakapagpost ulit.. Kaya pa ako nakapagpost dahil sa STR. Nasa comsci unit kami para gumawa ng STR.. Pero habang gumagawa sila, siningit ko na rin ang pagpost... haha..

Sobrang saya nung retreat.. Haha.. Sobrang late na nito pero bakit ba? Ngayon lang ako nakapagpost ulit eh... hehe... Dahil sa retreat(sa palanca), nakapagusap na ulit kami ng isa kong friend... Pero dahil din sa retreat(sa palanca din), hindi ako pinapansin ng isa pang friend ko.. Kinausap ko na siya kanina at magusap na lang daw kami sa fair.. Kaya yun.. Sana magkaayos na kami..

Ang saya magRagnarok! Naadik na naman ako! May x3 experience kasi every weekend eh... Haha.. Gumawa kami sa Thor, server sa PRO na walang bot.. Kailangan ko maglaro sa sunday para makahabol sa mga adik na extern... Lugi kasi hindi kami makapagadik mode ng mga dormer.. haha.. Pero ok din yun para hindi nakakasawa agad...

Dota
Nagdota kami kahapon.. 5 on 5... 08 vs 09.. Haha.. Nung una, napush nila yung 2 towers sa gitna at isa sa taas.. kami isa sa baba pa lang... Nung nagmid sila, hindi namin sila mapigilan... ang ginawa namin, pinush namin yung baba habang dinedefend yung gitna.. Si lendl ang nagtatanim ng remote mines at stasis trap kaya hindi sila makapasok. tapos ang galing ni adrian! nakapag aegis divine sya kaya hindi na siya mapatay.. Napapatay namin sila lahat kaya nakakapagpush kami... Nung nagmid lahat, may nanggilid samin at binakdoor yung baba.. may megacreeps na tuloy sila.. oh well binack door na rin sila ni furion gamit ang teleport tapos manta style.. Basta mahabang storya.. Panalo kami.. Talo dapat kami kasi ang lakas nila.. doombringer, azwraith, bradwarden, sven, tapos nortrom... kami chen, medusa, furion, nevermore at squee &spleen..

Para sa mga nagcomment dun sa huling post ko, hai naku.. Bahala nga kayo... Haha... Hindi kasi obvious kung bakit...=P oh well.. haha... Sige... STR mode na... haha..

Saturday, September 23, 2006

Basketball

Hai naku... Naging malungkot ako dahil sa basketball... Tamad kasi ako kumilos kung hindi ko mahal ang isang bagay na ginagawa ko, at tuwing napapagalitan ako, iniisip ko kung karapat dapat ba akong magsuot ng uniform ng varsity team. Oo nga nakasuot ako, pero kapag nakikita ko ang coach namin, nahihiya ako... Lalo akong nahihiya kasi hindi ko napapakita sa kanya kung ano ba ang kaya kong gawin.. Kaya talagang nakakalungkot... Lalo na nung last game namin.. Tambak kami... At dahil dun, hindi ako pinasok... Sobrang sakit.. Pero hindi ako nagrereklamo.. Alam ko na ang problema ay nasa akin... Dahil sobrang natetense ako maglaro kapag nakatingin si coach.. Ayokong magkamali sa harap nya.. Tpos tuwing practice, laging may parang mali sakin, tulad ng may lagnat ako, may hyperextended muscle, at kung ano ano pa... ayokong magdahilan kay sir kasi baka isagot lang niya na umalis na lang ako kung hindi ko kaya. Pagkatapos pa nung game namin nung thursday, sinabihan niya ang buong team na kulang kami sa attitude.. Parang isa lang sa amin or dalawa ang may winning attitude. Lahat natatakot sa laki ng katawan ng kalaban namin.. Oh well... Feel ko gusto na ko alisin ni coach sa team kaya lang ayaw lang niya ko alisin para hindi ako masaktan... Babawi na lang ako sa mga susunod na practices.. Hindi na ko magpapalate at magfofocus na ko sa lahat ng gagawin.. Kailangan makita niya na gusto ko pang manatili sa varsity team... Hai... Good luck to me..

Pero bukod sa basketball masaya naman ang buhay ko.. Oops, STR pa pala... Malungkot din ako dahil sa STR... Pero masaya rin ako dahil sa mga bagay na hindi ko masabi.. Isang kaligayahang hindi madescribe... hehe... Kung kaya ko or sipagin ako itatranslate ko lahat ng posts ko sa english... Practice lang... hehe... Naiinggit ako sa ibang blogs, english pa talaga ginagamit nila.. Wala kasi akong time mag-english mode eh... Pero kung matripan ko ok lang... Mas marami kasi ako nasasabi sa Tagalog pero mas nadedescribe ko ang mga bagay bagay sa english... Mas makulay ang words.. haha..

Kung matatanong nyo, "What's with the template?" haha... Ang panget... Pero tsaka ko na papalitan pagka-check ni sir vingcang... hehe... joke lang sir! Sabi kasi ni comsci partner ginaya ko raw yung dating template ko kaya 'eto, naghanap ako ng template na wala masyadong gagamit... haha... Sige... Until next time..

Thursday, September 14, 2006

....

Hai... di ko alam kung ano ilalagay.. Mamaya na magchecheck si sir bingcang ng blog! Anyway... Kwento ko na lang ang nakaraang week...

Nagkaroon ng tryouts sa basketball nung Wednesday... Nakuha sina dean, bona, aldrin, cp, angel, quitay, luis 09, arce, at si sum1... Nakalimutan ko kung sino sya... Pasensya na... haha... Ang saya ng practice namin nung thursday... Sobrang dami namin.. Hindi pa kami(team A) masyado napapansin ni coach dahil ang pinapansin nya yung mga bago... Ang saya ng buong week.. Pero napaka-antukin ko kasi 10pm pa lang tulog na ko.. Anyway, next time na ulit...

Si marko ay mas gwapo kay joseph.